Recent Posts

Breaking News

Mga consumer sa ECQ, MECQ may 30 araw moratorium sa utility bill

Mayroong 30 araw na palugit ang mga consumer para mabayaran ang kanilang mga utility bill sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Naging ganap na batas ang Bayanihan 2 matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes.

Sabi ni Gatchalian, sa ipinanukala niyang probisyon sa Bayanihan 2 ay binibigyan ng 30 araw na moratorium ang mga consumer sa pagbabayad ng utility bills katulad ng kuryente at tubig, partikular ang mga nakatira sa lugar na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon sa senador, sa ngayon ay ang Iligan City, Bacolod City at Lanao del Sur ang mga probinsyang idineklara sa ilalim ng MECQ hanggang katapusan ng Setyembre.

Pinaliwanag pa ni Gatchalian na hindi rin muna pababayaran ang interes sa bill, multa at iba pang dagdag singil o charges sa loob ng 30 araw habang nasa ilalim ng ECQ o MECQ ang isang lugar.

Pagkatapos umano ng 30 araw na moratorium ay pinapahintulutan din sa Bayanihan 2 ang mga residential user, maliliit na negosyo at kooperatiba na bayaran ng pautay-utay sa loob ng tatlong buwan ang kanilang utility bills.

Nabatid na magiging epektibo hanggang Disyembre 19, 2020 ang Bayanihan 2, bago pa mag-Christmas break ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

The post Mga consumer sa ECQ, MECQ may 30 araw moratorium sa utility bill first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-consumer-sa-ecq-mecq-may-30-araw-moratorium-sa-utility-bill1/)

Walang komento