Recent Posts

Breaking News

Mga batang ina dumarami

Ayon sa Commission on Population and Development (PopCom), ang bilang ng mga nabubuntis na batang edad 14 pababa ay dumoble makalipas ang isang dekada.

Sabi ni PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III, mula 1,000 pregnancy sa mga edad 10 hanggang 14 noong 2007, umakyat ito patungong 2,200 noong 2018.

“It’s the one figure that has been increasing,” ani Perez sa budget hearing ng Senado patungkol sa nasabing age group, Setyembre 17.

“We have roughly … 40 to 50 10-year-old children giving birth every year,” dagdag niya.

Mayroon aniyang 62,000 menor de edad mula 10 hanggang 18 anyos na nanganak noong 2018.

Suportado ng PopCom ang panukalang batas na itaas ang edad ng statutory rape sa bansa mula 12 anyos patungong 16 anyos.

Gusto rin ng Komisyon na isaayos pa ang “sexuality education” upang mabasawan ang teenage pregnancy sa konserbatibong Pilipinas.

The post Mga batang ina dumarami first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-batang-ina-dumarami/)

Walang komento