Recent Posts

Breaking News

Mga anak ng OFW na ‘di makatuloy sa kolehiyo tutulungan

Aasistehan ng pamahalaan ang mga anak ng overseas Filipino workers (OFW) na makapag-enroll sa kolehiyo ngayong pasukan para makapagpatuloy sa pag-aaral.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong programa ang gobyerno para tulungan ang mga OFW na nawalan ng trabaho o kaya ay namatay dahil sa COVID-19 para makapagpatuloy sa kolehiyo ang kanilang mga anak.

Ang tulong aniya ay one-time grant ng P30,000 para makapag-enroll sa state universities and colleges.

“The education subsidy will be given to one college beneficiary from a qualified OFW, enrolled or is intending to enroll in state universities and colleges,” anang Pangulo.

Naglaan aniya ang gobyerbo ng isang bilyong piso para sa programa na inaasahang pakikinabangan ng 33,000 na mga anak ng kuwalipikadong OFW.

Sinabi ni Duterte na programa ito ng Commission on Higher Education (CHED) at ng United Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Maaari aniyang kunin ang detalye ng programa sa CHED, DOLE o sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

The post Mga anak ng OFW na ‘di makatuloy sa kolehiyo tutulungan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-anak-ng-ofw-na-di-makatuloy-sa-kolehiyo-tutulungan/)

Walang komento