Recent Posts

Breaking News

Metro Manila Subway kakailanganin ng 59K manggagawa – DOTr

Inaasahang libu-libo ang magkakaroon ng trabaho sa Metro Manila Subway project, ayon sa Department of Transportation.

Wika ni Transportation Secretary Arthur Tugade, Setyembre 4, kakailanganin ng hindi bababa sa 9,000 direct hire workers at hanggang 50,000 indirect employees ng nasabing proyekto.

“Matindi ang employment generation dito,” aniya pa sa virtual media factory tour at sa factory acceptance test ng mga makinang gagamitin sa pagtatayo ng subway.

Sinabi ni Tugade na na-delay man ang construction activities dahil sa pandemyang COVID-19, hinahabol naman na ng mga obrero ang targets.

Kakayanin pa rin aniya na masimulan ang partial operations nitong subway project sa katapusan ng taong 2021.

The post Metro Manila Subway kakailanganin ng 59K manggagawa - DOTr first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/metro-manila-subway-kakailanganin-ng-59k-manggagawa-dotr/)

Walang komento