Recent Posts

Breaking News

Metro Manila pwede ibaba sa MGCQ sa Oktubre – Lorenzana

Maaaring luwagan sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Oktubre ang National Capital Region o Metro Manila, ayon sa isang opisyal ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Wika ni NTF Against COVID-19 chairperson at Defense Secretary Delfin Lorenzana, bumaba ang bilang ng daily infections sa bansa dahil sa strict implementation ng mga safety protocol.

“Noong nakaraang linggo, ang cases na lumalabas na bago ay 10,000 paakyat, kahapon 3,000 na lang. Ibig sabihin lahat ay nagtatrabaho. Dapat ay ganoon ang gawin natin,” ani Lorenzana.

“Ang ating layunin sa buwan na ito ay mag-flatten tayo o mas maganda maibaba natin ang curve para pagkatapos ng buwan ng Setyembre ay makapunta na tayo sa MGCQ at medyo lumuwag-luwag ang buhay ng mga tao,” dagdag niya.

Pinayuhan niya ang mga local official na lalo pang pagbutihin ang kapasidad sa testing, tracing at treatment.

Diniin din niya ang importansya ng pakikiisa ng mga tao sa laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health standard gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, pag-obserba sa social distancing, at regular na sanitation.

“Ang layunin dito ay makasama lahat, especially ‘yong mga barangay [officials]. Naniniwala kami na ang barangay ang ating frontliner kasi sa hospital, last defense na ‘yun eh, nagkasakit na. Ang frontliner natin ay barangay officials na nagpapatupad ng quarantine protocols,” sambit pa ni Lorenzana.

The post Metro Manila pwede ibaba sa MGCQ sa Oktubre – Lorenzana first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/metro-manila-pwede-ibaba-sa-mgcq-sa-oktubre-lorenzana/)

Walang komento