Recent Posts

Breaking News

Metro Manila GCQ ulit; Iligan City solong MECQ

Pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) kabilang na ang mga lalawigan ng Bulacan at Batangas sa Luzon, at Bacolod City at Tacloban City sa Visayas hanggang September 30.

Solo naman ang Iligan City sa modified enhanced community quarantine (MECQ) status simula September 1 hanggang September 30 dahil tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga natitirang lugar sa bansa ay isinailalim ng Pangulo sa maluwag na modified general community quarantine (MGCQ).

Sinabi ni Roque na sa lahat ng community quarantine classifications, kailangan pa ring manatili sa bahay kung hindi rin lang mahalaga ang dahilan para lumabas.

Iniingatan pa rin aniya ng gobyerno ang pagkalat ng kontaminasyon sa COVID-19 para sa mga lugar na nagluwag na ng quarantine status kaya kailangan ang kooperasyon ng bawat Pilipino.

Sinabi ni Roque na bawal pa ring lumabas ang mga edad 21 pababa,pati na ang mga buntis , senior citizen at mga mayroong sakit o tinatawag comorbidities.

“Sa lahat po ng classification MECQ, GCQ, at MGCQ kinakailangan himeliners po tayo. Bawal lumabas unless sa mga indispensable na mga pangangailangan natin, o ‘di naman kaya ay para magtrabaho doon sa industriya na pinapayagan na,” ani Roque.

Sa ilalim ng MGCQ, sinabi ni Roque na bukas na ang operasyon ng transportasyon at 50% ay pupuwede na para sa public gathering.

Bukas na rin aniya sa ilalim ng MGCQ ang mga sinehan, concerts at sporting events subalit hanggang 50% lamang ang papayagang capacity, kasama na dito ang religious gatherings.

Sinabi ni Roque na bukas na rin ang turisma sa mga lugar na sakop ng MGCQ.

“Halos lahat ng industriya sa MGCQ ay mabubuksan na kaya lang ay nililimita natin yung mga taong pupuwedeng magtipon-tipon hanggang 50 percent lamang po,” dagdag ni Roque.

The post Metro Manila GCQ ulit; Iligan City solong MECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/metro-manila-gcq-ulit-iligan-city-solong-mecq/)

Walang komento