Recent Posts

Breaking News

Mas maayos na sahod wala sa ‘Pinas – mga nars

“Sa tingin po namin, karapatan naman ng mga nurse na maghanap ng better work opportunities at better pay sa labas ng bansa kung hindi naman naibibigay sa atin ng pamahalaan.”

Wika ito ni Filipino Nurses United (FNU) secretary general Jocelyn Andamo, habang nananawagan sa gobyerno na alisin na ang overseas deployment ban sa mga Pinoy healthcare worker habang may coronavirus pandemic.

“Ang Filipino Nurses United ay naninindigan sa total lifting ng deployment ban ng mga nurses at iba pang healthcare workers,” ani Andamo sa panayam sa GMA Network’s Unang Hirit, Huwebes.

“Nag-spend na po sila ng almost P100,000 sa kanilang examination, at documents. At sila po ay nakapangutang na para masustentuhan ang kanilang mga pamilya,” saad niya pa.

Nitong Martes, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na gusto nilang i-exempt sa ban ang mga nars na nakompleto na ang kanilang overseas requirements hanggang nitong Agosto 21, 2020.

“We recommended that the extension should cover not only those who completed their papers as of March 2020, but also [those] who completed their papers as of August 21,” dagdag pa ng kalihim.

Pansamantalang sinuspinde ng pamahalaang Duterte ang paglabas-bansa ng mga medical at allied health worker para umano matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino healthcare worker sa gitna ng pandemya.

The post Mas maayos na sahod wala sa 'Pinas - mga nars first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mas-maayos-na-sahod-wala-sa-pinas-mga-nars/)

Walang komento