Recent Posts

Breaking News

Martial law ni Duterte, ibang-iba kay Marcos – Palasyo

Malaki ang pagkakaiba ng martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa martial law noong panahon ng Marcos administration.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ika-48 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni Roque na noong panahon ni Marcos, maraming mga naipasarang institusyon, taliwas ito sa martial kaw na idineklara ni Pangulong Duterte.

Inalis na aniya sa kapangyarihan ng isang nakaupong Presidente ang pagpapasara ng Kongreso, pati na ang Supreme Court na nangyari noong Marcos regime, at sa halip ay maaari nang kuwestiyunin ngayon sa hukuman ang anumang deklarasyon ng martial law.

“Ang deklarasyon ng martial law ngayon pupuwedeng kuwestiyunin sa Kongreso, pupuwedeng kuwestiyunin sa hukuman dahil nga po natuto na tayo sa mapait na karanasan natin sa martial law noong 1970,” ani Roque.

Nasaksihan aniya ng kalihim ang martial law noong panahon ng mga Marcos na aniya ay matinding paghihigpit sa mamamayan.

“Alam n’yo po, ako ay lumaki sa martial law, nag-law school ako, walang saligang batas, Constitution lamang,” dagdag ni Roque.

The post Martial law ni Duterte, ibang-iba kay Marcos - Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/martial-law-ni-duterte-ibang-iba-kay-marcos-palasyo1/)

Walang komento