Recent Posts

Breaking News

Maralitang lungsod posibleng dumami sa 2021 – NEDA

Posibleng lumubha ang urban poverty sa susunod na taon dulot ng nagpapatuloy na epekto ng pandemyang coronavirus disease 2019.

Ayon ito kay acting Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) head Karl Kendrick Chua kahapon.

Aniya, bago manalasa ang COVID-19, maaabot ng bansa ang target nitong mabawasan ang kahirapan mula 16.7 percent noong 2018 patungong 14 percent sa 2022.

Dagdag pa niya sa isang Senate hearing ukol sa panukalang national budget na ang tantiya ng gobyerno na poverty incidence sa taong 2021 ay posibleng bumaba sa 15.5 percent o tumaas sa 17.5 percent.

“We don’t see any of the rural poverty worsening. We might see a temporary worsening in the urban poverty where the pandemic and the COVID and the quarantine have affected their livelihood at the time being,” sabi pa ni Chua.

Inaasahan din umano nila na ang unemployment rate para sa 2021 ay papalo sa 6 hanggang 8 percent–mas mataas sa normal average unemployment rate (5 percent) pero mas mababa sa kasalukuyang unemployment rate (10 percent) at sa 17.7 percent noong tayo’y nakasailalim sa pinakamahigpit na lockdown status.

“Hopefully, we can do better as the economy recovers faster,” sambit pa ng kalihim.

The post Maralitang lungsod posibleng dumami sa 2021 - NEDA first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maralitang-lungsod-posibleng-dumami-sa-2021-neda/)

Walang komento