Recent Posts

Breaking News

Manila Bay white sand dinagsa, physical distancing nawala na

Magkakadikit na ang mga Pinoy na gustong makita ang puting buhangin sa Manila Bay ngayong umaga, kung kailan pansamantalang binuksan sa publiko ang naturang lugar.

As of 8AM ngayong Linggo, Setyembre 20, kumpul-kumpol ang madla sa kalsada, footbridge, at sidewalk sa baywalk sa Roxas Boulevard na may dinurog na dolomite rock.

Binuksan ng mga opisyal ang parte ng coastline para maipakita sa publiko na matagumpay naman itong synthetic white sand sa pagpapaganda ng Manila Bay.

Bukas itong baywalk para sa mga bibisita hanggang alas-sais ng gabi ngayong araw lang.

The post Manila Bay white sand dinagsa, physical distancing nawala na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/manila-bay-white-sand-dinagsa-physical-distancing-nawala-na/)

Walang komento