Recent Posts

Breaking News

Manay Ichu pumanaw na

Sa edad na 77 ay sumakabilang-buhay na si Maria Azucena Vera-Perez Maceda, na kilala rin bilang “Manay Ichu”.

Napaulat na kinumpirma ito ng kanyang anak na si Erwin Maceda ngayong Lunes ng umaga, Setyembre 7, 2020.

Sa Twitter, nagluksa si Senate President Tito Sotto sa trahedya.

“Our Beloved Manay Ichu will now rest at the bosom of the Lord our God. The Movie industry will never be the same. We owe her a lot. We love her deeply,” aniya pa.

Si Manay Ichu ang asawa ni dating Senate President Ernesto Maceda.

Kilalang pangalan si Maria Azucena sa industriya ng pelikula, gayong kabilang siya sa pagsibol ng ilang Philippine cinema organizations gaya ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), Metro Manila Film Festival (MMFF), Film Academy of the Philippines (FAP).

Sangkot din siya sa pagsulong ng Philippine Motion Pictures Producers Association, Experimental Cinema of the Philippines, Film Development Council of the Philippines (FDCP), Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA), at ang Experimental Cinema of the Philippines (ECP).

The post Manay Ichu pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/manay-ichu-pumanaw-na1/)

Walang komento