Recent Posts

Breaking News

‘Malakas na internet signal unahin kesa white sand’

Naawa ang mga Pinoy netizen sa isang mag-aaral na araw-araw umaakyat ng bundok upang makasama lang sa online class habang may coronavirus pandemic.

Kinwento ni TikToker @paunabs ang itsura ng online class sa kanilang probinsya.

“So katatapos lang po nung ulan. Kagaya ng ginagawa ko araw-araw, pupunta po ako sa bundok para kahit papa’no, makapag-update po ako sa klase.”

“Aakyat po tayo dyan, kasi dyan po sa taas malakas ‘yung [internet] signal,” aniya pa habang tinuturo ang tuktok ng bundok.

Nang makaakyat siya ay pinakita niya ang iba pang mga online class student na gumagawa ng masisilungan gamit ang trapal sakaling abutan sila ng ulan o maging tirik na tirik ang araw sa bundok.

Siningil ng mga nanggigil na netizen ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na tinutulak ang pagpapatuloy ng mga klase habang may pandemya, sa pamamagitan ng distance learning.

May iba pang nagsabi na dapat nilaan ang pondo para sa white sand project sa Manila Bay sa pagsasaayos ng internet connectivity sa ‘Pinas.

The post 'Malakas na internet signal unahin kesa white sand' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/malakas-na-internet-signal-unahin-kesa-white-sand/)

Walang komento