Recent Posts

Breaking News

Malacañang ‘di na maglalabas ng kopya ng appointment ng mga gov’t exec

Binago na ng Office of the Presidential Spokesman (OPS) ang polisiya sa pagpapalabas ng mga dokumento partikular sa appointment ng mga bagong opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa appointed official kung gusto nitong ilabas ang appointment paper nito.

Ang tanging gagawin na lamang aniya ng OPS ay kumpirmahin kapag mayroong bagong appointee pero hindi na maglalabas mg dokumento hinggil dito.

“Well, dati-rati po we post it, pero ngayon ang policy po namin sa OPS, it’s up to the appointed official to post it if they want,” ani Roque.

Sa kaso aniya ni Philippine Health Insurance Corporation President Dante Gierran, hindi na kailangang kumpirmahin ito dahil mismong si Pangulng Rodrigo Duterte ang nag-anunsiyo nito noong Lunes.

Pero sa kabila ng anunsiyo ng Pangulo, sinabi ni Gierran na wala pa siyang appointment paper kaya hindi siya makagalaw para balasahin ang mga opisyal ng PhilHealth kahit pa may direktiba na sa kanya ni Pangulong Duterte sa mga gagawin nito sa ahensiya.

“If hindi nakakarating sa kanya, siguro time lag lang iyan. But I did not have to announce his appointment because the President himself made the announcement,” dagdag ni Roque.

The post Malacañang ‘di na maglalabas ng kopya ng appointment ng mga gov’t exec first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/malacanang-di-na-maglalabas-ng-kopya-ng-appointment-ng-mga-govt-exec/)

Walang komento