Recent Posts

Breaking News

Mainit na panahon kalbaryo sa Olympics

May COVID-19 o wala, tuloy ang 2020 Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Pero bukod sa virus, ang “blazing summer heat” sa Japanese capital ang isa pang kalbaryo ng mga atleta.

“A nightmare,” sabi lamang ng isang advisor ng organizing committee sa ulat ng Reuters.

Bagaman dama ng Japan ang malamig na summer ngayong taon, sinabi ni Makoto Yokohari na ang pinakamataas na temperature nito ay buwan ng Agosto na kung saan halos isasagawa ang lahat ng mga laro ng nausog na Games na nangangahulugan ng mapanganib na pagsasalo ng init at humidity.

Si Yokohari, professor sa Environment and Urban Planning sa University of Tokyo, ay inalisa ang datos simula pa noong 1984 Olympics sa Los Angeles kung saan naobserbahan nito ang panahon kung saan isinasagawa ang mga torneo ng Games kung saan Tokyo ay may “highest average temperature and precipitation of any host city.”

“When it comes to heat stress or heat stroke, the problem is not only the temperature but also the humidity as well,” sabi ni Yokohari.

The post Mainit na panahon kalbaryo sa Olympics first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mainit-na-panahon-kalbaryo-sa-olympics1/)

Walang komento