Recent Posts

Breaking News

Magre-resign lang ako kung si Duterte magsasabi – Badoy

Tablado ang Makabayan bloc sa Kamara sa panawagang magbitiw sa puwesto si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy dahil sa red-tagging ng huli sa mga legal na aktibista.

Ang red-tagging ang pagbansag sa mga kritiko ng gobyerno bilang “komunista” o “terorista”.

Sinabi ni Badoy na si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang kanyang susundin sakaling ito na ang magsabi para magbitiw siya sa puwesto.

“Hindi ako magre-resign. I serve at the pleasure of the President,” aniya.

Ayon kay Badoy, “unfair” na suspindehin ang budget deliberation ng PCOO dahil ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan siya ang tagapagsalita ay nasa ilalim ng National Security Council (NSC).

Giniit din niyang ang budget ng PCOO ay hindi ginagamit sa NTF-ELCAC dahil ang trabaho ng NTF-ELCAC ay mula sa tanggapan ni NSC Secretary Hermogenes Esperon.

“Wala ni isang kusing diyan galing sa PCOO, bakit nila dinadamay?,” dagdag pa niya.

Nanindigan ang opisyal na hindi niya babawiin ang red-tagging post sa kanyang Facebook account sa ilang progresibong grupo dahil mayroon aniya siyang pinanghahawakan sa mga naging post niya.

Si Badoy ay PCOO Undersecretary for New Media.

The post Magre-resign lang ako kung si Duterte magsasabi - Badoy first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magre-resign-lang-ako-kung-si-duterte-magsasabi-badoy/)

Walang komento