Recent Posts

Breaking News

Magnitude 5.7 lindol umalog sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Davao Occidental kaninang tanghali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sa earthquake bulletin ng Phivolcs, sinabing tumama ang tectonic earthquake alas-11:41 ng umaga ngayong Setyembre 9, sa 45 kilometro southeast ng Sarangani.

Umabot sa 65 kilometro ang lalim ng naturang pagyanig.

Sabi ng Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

Pero dapat anilang mag-abang sa mga aftershock o kasunod na lindol.

The post Magnitude 5.7 lindol umalog sa Davao Occidental first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magnitude-5-7-lindol-umalog-sa-davao-occidental/)

Walang komento