Recent Posts

Breaking News

Magnanakaw si Marcos – mga netizen

Trending sa Twitter PH ang “#ArawNgMagnanakaw” ngayong Setyembre 11, ang araw ng kapanganakan ni diktador at yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Giniit din ng maraming Pinoy netizen na “hindi bayani” si Marcos kundi isang “magnanakaw,” “plunderer,” “kleptocrat,” at “human rights violator”.

May mga binida pa ang online museum ukol sa Batas Militar sa bansa na martiallawmuseum.ph .

Kamakailan, binatikos din ng mga netizen ang pagpasa ng Kamara sa “President Ferdinand Edralin Marcos Day” bill, na gustong ideklarang holiday sa Ilocos Norte ang Setyembre 11 bilang paggunita nga sa birthday ni Marcos.

The post Magnanakaw si Marcos - mga netizen first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magnanakaw-si-marcos-mga-netizen/)

Walang komento