Recent Posts

Breaking News

‘Magbuo ng plano sa health security, emergency’

Naghain si Senador Risa Hontiveros ng isang panukala na naglalayong magtayo ng komprehensibong national action plan para tugunan ang public health security at emergency na katulad ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Sa Senate Bill No. 1801 o Philippine Public Health Security and Emergency Act of 2020, layunin nito na magtatag ng multi-sectoral body para sa mas maayos na koordinasyon ng gobyerno sa health crisis.

Dahil sa oandemya, ayon kay Hontiveros, nakitaan na kailangang magbuo ng national policy framework para sa health emergency gayundin ng inter-agency body na pamumuan ng healk sector na titiyak sa pagpapatupad ng katulad na plano.

“Maraming buhay at kabuhayan ang nawala dahilan sa hindi malinaw na sistema at hindi epektibong polisiya,” sabi ni Hontiveros.

“Government must have better public health security plans and mechanisms in place that are continuously updated to reflect past lessons and best practices,” dagdag nito.

Sa ilalim ng panukala, mandato nito na magbuo ng Philippine National Plan for Public Health Security and Emergency (PNAPHSE).

Ang PNAPHSE ay magrerebyu ng kapasidad ng gobyerno na tumugon sa health emergencies at compliance sa international health regulations.

“This plan will then guide national and local government units in responding to various health emergencies like outbreaks of infectious diseases, chemical events, or even biological attacks,” sabi Hontiveros.

Ang PNHSEC rin ang tututok sa pagpapatupad ng plano sa panahon ng health crisis.

“The PNHSEC will have the authority to recommend the declaration of public health security and emergency to the President,” ani Hontiveros.

“It will also be required to issue daily news updates or health bulletins during a period of a public health emergency,” saad pa nito.

The post 'Magbuo ng plano sa health security, emergency' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magbuo-ng-plano-sa-health-security-emergency/)

Walang komento