Recent Posts

Breaking News

Mag-appoint ng ‘ballik-trabaho czar’ – Hontiveros

Kailangang magtalaga ang gobyerno na “Balik-Trabaho Czar” na siyang tututok sa pagsisikap ng gobyerno na ibalik ang milyong trabahong nawala dahil sa unemployment crisis dulot ng COVID-19 pandemic.

“Tutal mahilig ang Malacañang sa pag-aapoint ng czar sa iba’t ibang bahagi ng Covid-19 response, sana ay may italaga din na ‘ Balik Trabaho Czar” na magsisikap na ibalik ang trabaho ng milyong-milyong Pilipino ngayong panahon ng krisis,” pahayag ni Senador Risa Hontiveros.

Ayon sa senador, kailangan magkaroon ng ‘person-in-charge’ na bibigyan ng pormal ng kapangyarihan at responsibilidad ng pangulo para matutukang mabuti ang pagsisikap ng pamahalaan na mabigyang muli ng kabuhayan ang mga nawalan ng trabaho.

“Sa ngayon, hindi malinaw kung sinong opisyal ng pamahalaan ang dapat nakatutok sa pagbuo at pagbalik ng trabaho para sa ating mga kababayan,” ani Hontiveros.

Ayon sa senador, kailangan magkaroo ng ‘person-in-charge’ na bibigyan ng pormal ng kapangyarihan aat responsibilidad ng pangulo para matutukang mabuti ang pagsisikap ng pamahalaan na mabigyang muli ng kabuhayan ang mga nawalan ng trabaho.

“Sa ngayon, hindi malinaw kung sinong opisyal ng pamahalaan ang dapat nakatutok sa pagbuo at pagbalik ng trabaho para sa ating mga kababayan,” sabi ni Hontmiveros.

“When I last spoke with Secretary Silverstre Bello III of the Department of Labor and Employment, he told me na hindi daw nya assignment ang employment preservation o employment creation. Then whose job is it? Who is in-charge?,” tanong nito.

Sabi pa ni Hontiveros, kung hindi natin maagapan ang problema sa unemployment, marami ang magugutom, hindi makakapag-aral at hindi makakuha ng gamutan na kanilang kailangan.

“This is why we need a “Balik Trabaho Czar” who will take a hands-on approach to solving the unemployment crisis before it gets worse,” sambit pa nito.

Sa datos ng gobyerno, umabot sa 4.6 milyong Pinoy ang walang trabao nitong Hulyo 2020 at ang bilang na ito ay inaasahang tataas pa sa mga darating na buwan.

“The unemployment crisis may not be an infectious disease like COVID-19, but it is spreading fast like one in communities nationwide. This is an urgent problem that seriously needs utmost attention from government,” ani Hontiveros.

Hinikayat din nito ang mga economic manager ng bansa na magpokus hindi sa pag-secure ng credit rating gayundin ang investor grades at exchange ratres kundi sa kung papaano makakabalik sa trabaho ang maraming nawalan na kabuhayan.

“While we worry about these economic indicators, isaalang-alang din natin ang mga nasa ibaba: yung mga ordinaryong Pilipino na ngayon ay nangangailangan ng mapapasukang disenteng trabaho,” anang senadora.

“Sila itong pinakaapektado ng pandemya at nawalan ng kabuhayan kaya huwag natin silang kalimutan,” wika pa nito.

The post Mag-appoint ng ‘ballik-trabaho czar’ - Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mag-appoint-ng-ballik-trabaho-czar-hontiveros1/)

Walang komento