Recent Posts

Breaking News

Lyce ‘sinakripisyo’ ni Topex

DAHIL bawal ang mamangka sa dalawang ilog, mula sa pagiging coach ay consultant na lang muna ngayon sa Lyceum Pirates si Topex Robinson.

Nauna rito’y inatasan ng Phoenix management si Topex bilang interim coach makaraang masibak si head coach Louie Alas.

Base kasi sa rules ng National Collegiate Athletics Association (NCAA), ang mga coach ng isang eskuwelahan ay hindi pwedeng humawak ng ibang club team kaya kailangang isakripisyo ng 45-anyos mentor ang pagmamando nito sa Intramuros-based squad.

Bagama’t consultant na lang ay todo pasalamat pa rin si Topex sa LPU president sa ibinuhos nilang pagtitiwala sa kanya.

“I feel so blessed to have a boss like Sir RPL [Roberto P. Laurel]. I’m actually lost for words since when news broke out that I was named interim head coach of Phoenix, the Laurel family only had words of encouragement for me,” pahayag ni Topex.

“Sir RPL even told me that the school will be there for me since coaching in the PBA is a once-in-a-lifetime opportunity. I just feel blessed and humbled.”

The post Lyce ‘sinakripisyo’ ni Topex first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lyce-sinakripisyo-ni-topex/)

Walang komento