Recent Posts

Breaking News

LTFRB: Provincial bus papayagan nang pumasada

Posibleng magbukas nitong Setyembre ang mga ruta ng mga bus mula sa Metro Manila patungong probinsya.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Martin Delgra, nakikipag-ugnayan pa sila sa mga local government unit dahil ilan sa mga ito ang ayaw pang magbukas ng kanilang border sa gitna ng banta ng COVID-19.

“Within the month, we’ll be opening the bus routes coming from Metro Manila and ending in Metro Manila,” saad ni Delgra.

Sa 81 lalawigan na kinausap ng ahensiya, apat lang ang pumayag na magbukas kabilang na ang Antique, Quirino at Bataan.

“Marami po sa kanila ang ayaw pa magbukas ng borders lalo na doon sa mga ruta na manggagaling ng Metro Manila,” paliwanag ni Delgra.

Sabi naman ni LTFRB NCR director Atty. Zona Russet Tamayo, “Sisimulan natin sa mga probinsya na malapit sa Metro Manila, katulad po ng Regions III and IV (A and B). Then eventually, mag-ease out sa mas malalayong regions naman po.”

Pero ayon kay Tamayo, bilang pagsunod sa protocol kontra COVID-19, limitado sa 50% capacity ng mga provincial bus ang papayagang pasahero. (IS)

The post LTFRB: Provincial bus papayagan nang pumasada first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ltfrb-provincial-bus-papayagan-nang-pumasada/)

Walang komento