Recent Posts

Breaking News

Lloyd Cadena ginamit pang-promote ng financial advisor, mga netizen nabanas

Tinawag na insensitive at unethical ng mga netizen ang isang financial advisor na ginamit ang yumaong vlogger na si Lloyd Cadena para makapag-promote ng nilalako niyang serbisyo.

Pinakita ni @IvanHeusen ang screenshot ng isang Facebook post kung saan pinapaliwanag na fully paid na ang bahay ni Lloyd dahil sa mortgage redemption insurance ng PAG-IBIG at mga bangko.

Sa dulong bahagi, sinabi sa post na kung wala pang life insurance ang mambabasa ay pag-isipang makipag-usap sa isang financial advisor.

“In such a way, I can help you secure an insurance that you can still use even after you are done with your loan payment,” ayon pa sa post ng hindi pinangalanang Facebook user.

Komento ng Twitter user, “As a Financial Advisor, I always disapprove this kind of posts. Girl, kamamatay lang ni Lloyd Cadena. Wag naman gamitin as marketing ploy.”

Sinang-ayunan naman si @IvanHeusen ng iba pang netizen.

Samantala, ayon sa Twitter user ay humingi na ng tawad ang ilang financial advisor na may kaparehong post, at binura na ang kanilang post.

The post Lloyd Cadena ginamit pang-promote ng financial advisor, mga netizen nabanas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lloyd-cadena-ginamit-pang-promote-ng-financial-advisor-mga-netizen-nabanas/)

Walang komento