Recent Posts

Breaking News

Lifetime ID validity sa mga PWD sinusulong

Naghain si Senador Lito Lapid ng isang panukala na naglalayong tanggalin ang requirement para sa persons with disabilities (PWDs) na mag-renew ng kanilang identification card (ID) kada tatlong taon.

Sa Senate Bill No. 1795, layunin nito na amiyendahan ang Republic Act 7277 o Magna Cart for disabled Person na magbibigay ng lifetime validy ng PWDs na may permanent disability.

Sa kasalukuyan ang mga PWD ay required na i-renew ang kanilang ID para sa reevaluation ng naturang entitlement.

“This is also to ensure that the information contained therein reflects the holder’s current disability status,” sabi sa panukala.

Subalit giit ni Lapid na hindi dapat i-apply ang reevaluation sa PWDs na may permanent disability tulad ng may mga pre-existing birth defects, permanent pagkabluga o pagkabingin, pagputol ng mga braso o ibang bahagi ng katawan nito.

“Giving PWDs with permanent disability a lifetime validity for their ID will spare them the inconvenience of going back to the issuing offices every three years, filling up the renewal forms, falling in line, and paying fees and charges, when no changes have occurred as to their disability status,” sabi ni Lapid.

Sa ilalim ng panukala, ang permanent disability ay kailangang sertipikahan ng municipal o city health officer kung saan nakatira ang PWD bago pagkalooban ng lifetimes validity ng ID.

“Marapat lamang na bigyan ng mas malawak na pang-unawa at konsiderasyon ang mga kababayan nating may kapansanan. Kaya dapat lang na tulungan natin silang mapagaan ang ilang gawain gaya na lamang ng pagkakaroon ng PWD ID para masigurong meron silang sapat na benepisyo at pribilehiyo,” sabi ni Lapid sa isang statement.

“Hindi na sila dapat pahirapan pang i-renew ang kanilang PWD ID lalo na kung ang kapansanan nila ay panghabang-buhay na. Makakabigat lamang sa kanila ang pagsasailalim sa paulit-ulit na proseso ng pagkuha ng ID at pag-aaksaya lang din ito ng kanilang oras at salaping pambayad sa renewal fee,” dagdag pa nito.

The post Lifetime ID validity sa mga PWD sinusulong first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lifetime-id-validity-sa-mga-pwd-sinusulong/)

Walang komento