Recent Posts

Breaking News

Licensure exams hanggang Disyembre, kinansela ng PRC

Kinansela na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang mga naka-schedule na licensure examinations sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.

Ayon sa PRC, ito’y dahil sa mga ipinatutupad na community quarantine sa bansa at upang matiyak ang kaligtasan ng mga PRC examinee.

Sa 2021 ire-reschedule ang mga nakanselang pagsusulit.

Ang mga sumusunod na pagsusulit ang kinansela ng PRC:

· Licensure Exams for Architects (October 30-November 1, 2020)

· Licensure Exams for Midwives (November 8-9, 2020)

· Civil Engineers Licensure Exams (November 15-16, 2020)

· Aeronautical Engineers Licensure Exams (November 17-19, 2020)

· Geologists Licensure Exams (November 17-19, 2020)

· Nurses Licensure Exams (November 22-23, 2020)

· Criminologists Licensure Exams (November 29-December 1, 2020)

· Dental Hygienists Licensure Exams – Written (November 24, 2020)

· Dental Hygienists Licensure Exams – Practical (November 25, 2020)

· Dentists Licensure Exams – Written (December 2-4, 2020)

· Dentists Licensure Exams – Practical (December 15-22, 2020)

· Dental Technologists Licensure Exams – Written (December 7, 2020)

· Dental Technologists Licensure Exams – Practical (December 8-9, 2020)

· Licensure Exams for Radiologic Technologists at X-ray Technologists (December 10-11, 2020)

· Licensure Exams for Pharmacists (December 13-14, 2020)

Nauna nang pinagpaliban ng PRC ang mga nakalinyang licensure exams nitong September dahil sa COVID-19 pandemic.

Pinayuhan ang mga examinee na i-check lagi ang official website at mga social media account ng PRC para sa mga update.

The post Licensure exams hanggang Disyembre, kinansela ng PRC first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/licensure-exams-hanggang-disyembre-kinansela-ng-prc/)

Walang komento