Recent Posts

Breaking News

LeBron nanghinayang sa game winner ni Davis

Aminado si LeBron James na may kaunting panghihinayang siya matapos isalpak ni Anthony Davis ang buzzer beater three na nagpataob sa Denver Nuggets sa Game 2 ng Western Conference Finals.

Saad ng four-time NBA MVP, mas maganda sana kasi kung sa kanilang home court na Staples Center nangyari ang pambihirang tira ni Davis.

“The one thing I wish with this shot AD hit is, I wish we were playing at Staples,” ayon kay LeBron sa report ng Bleacher Report. “I miss our fans so much.”

Lamang ang Denver ng isang puntos, 103-102, dalawang segundo na lang ang nalalabi sa game clock nang magpakawala ng tres si Davis dahilan para nakawin nila ang laro at itarak ang 2-0 advantage.

Tumapos si Davis tangan ang 31 points at nine rebounds, habang gumawa naman ng 26 markers at 11 boards si LeBron James.

Dahil sa panalo ay dalawang panalo na lang ang kailangan ng Lakers para muling makabalik sa Finals makalipas ang isang dekada.

The post LeBron nanghinayang sa game winner ni Davis first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lebron-nanghinayang-sa-game-winner-ni-davis/)

Walang komento