Recent Posts

Breaking News

Lea Salonga nahumaling sa BTS

Naging instant topic online ang award-winning international actress and singer na si Lea Salonga nang purihin niya ang Korean boy band na BTS sa latest hit single nito na “Dynamite”.

Tuwang-tuwa naman ang fandom ng BTS na A.R.M.Y. dahil isang Lea Salonga ang naging fan ng BTS.

Nag-ugat ito sa interview ni Lea sa Theater Mania, na pinalabas sa YouTube noong September 1.

Sinabi ni Lea, sobrang na-impress na siya noon sa live performance ng BTS sa New York Times Square noong December 31.

Pero nang lumabas ang music video ng “Dynamite” ay lalo pang tumaas ang paghanga ni Lea sa BTS.

“I’m a brand-new fan, well not brand new. I mean I saw them in New York’s Rockin’ Eve and I was really, really impressed. But I think it was when ‘Dynamite’ came out, that was when I was like…okay…into the rabbit hole I go and that’s it. Bye! You won’t see me for a while,” aniya.

Impressed din si Lea dahil ang BTS ang first Asian artist na umupo sa top spot sa Billboard’s Hot 100, isang main music chart sa United States.

Kumalat ang video clip ng interview ni Lea at sobra ang pasasalamat ng A.R.M.Y. na na-recognize ng una ang kanilang mga idolo.

The post Lea Salonga nahumaling sa BTS first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lea-salonga-nahumaling-sa-bts/)

Walang komento