Recent Posts

Breaking News

Lav Diaz wagi sa Venice film fest

Nanalo si Filipino director Lav Diaz sa Venice International Film Festival!

Nagwagi siya bilang Best Director sa Orizzonti section para sa kanyang pelikulang “Lahi, Hayop”.

Sa nasabing parangal ay binati si Diaz ni Film Development Council of the Philippines chairperson at CEO Liza Dino-Seguerra.

“This epic win coincides with the celebration of the 101st Anniversary of Philippine Cinema. Congratulations to the whole team! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!,” aniya pa ngayong umaga sa Facebook.

Samantala, nagwagi ang isa ring pelikula ni Diaz na “Ang Babaeng Humayo” ng Golden Lion top prize sa Venice film fest noon namang 2016.

The post Lav Diaz wagi sa Venice film fest first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lav-diaz-wagi-sa-venice-film-fest/)

Walang komento