Recent Posts

Breaking News

Last challenge ni Kween LC tinanggap ni Ivana

Trending agad ang video ng pagkasa ni Ivana Alawi sa huling hamon sa kanya ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

Hinamon ni Kween LC si Ivana na maglinis sila ng bus.

“Pabilisan tayong maglinis ng bus!”, sey pa noon ni Lloyd.

Kahapon, Setyembre 6, pinost ni Ivana ang kanyang pag-bus wash, at lahat ng malilikom na pondo ng video ay mapupunta aniya sa pamilya ni Cadena.

Sa caption ay nilagay niya rin ang YouTube channels ng mga kapamilya at kaibigan ni Kween LC.

Sa ngayon, 11AM ng Setyembre 7, lumikom na ang 13-minute video ni Ivana nang higit 2 million views at 27,500 comments.

The post Last challenge ni Kween LC tinanggap ni Ivana first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/last-challenge-ni-kween-lc-tinanggap-ni-ivana/)

Walang komento