Recent Posts

Breaking News

Lasinggero, basag-ulo! Ex-TNT import sinuka agad ng Juventus

Limang araw pa lang nasa poder ng Lithuanian basketball club na Juventus Utena si Glen Rice Jr. ay pinabalik na agad ito sa kanyang pinanggalingan.

Ayon sa mga report mula Europa, patong-patong umano ang kalokohan na ginawa ni Rice, mula sa pagpapakita sa praktis ng lasing, biglang pagkawala sa oras ng flight at paghahamon ng away sa kanyang teammate.

“He’s an unpredictable person who has a lot of problems. We took a risk and it didn’t work out. The circus is over. Now we’re looking for a person, who wants to play basketball, not to fool around,” ayon kay Juventus director Eimantas Skersis.

Ang 29-anyos na baller ay anak ng dating NBA superstar na si Glen Rice, at dati ring naglaro sa ‘Pinas para sa TNT KaTropa noong 2017.

The post Lasinggero, basag-ulo! Ex-TNT import sinuka agad ng Juventus first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lasinggero-basag-ulo-ex-tnt-import-sinuka-agad-ng-juventus/)

Walang komento