Recent Posts

Breaking News

Lahat ng mga sementeryo sa PH sarado sa Oktubre 29-Nobyembre 4

Riley Cea

Nagpasya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na isara ang lahat ng mga pampubliko at pribadong sementeryo at columbarium sa buong bansa sa panahon ng Undas.

Magtatagal ang closure order mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, 2020, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, Setyembre 18.

Papayagan aniya ang pagbisita sa mga sementeryo bago o pagkatapos ng nasabing panahon.

Pero 30 percent lang ng venue capacity ang pahihintulutan ng IATF mula Setyembre 17 hanggang Nobyembre 15.

Samantala, sinabi ni Roque na “age restrictions will not apply in the said places during the Undas season.”

Naunang nagpatupad ang mga lokal na gobyerno ng pagsasara ng mga nasasakupang sementeryo sa Undas upang makaiwas sa mass gathering at hindi ns lalong kumalat ang sakit na COVID-19.

The post Lahat ng mga sementeryo sa PH sarado sa Oktubre 29-Nobyembre 4 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lahat-ng-mga-sementeryo-sa-ph-sarado-sa-oktubre-29-nobyembre-4/)

Walang komento