Recent Posts

Breaking News

Lacson sa appointment kay Mancao: Kahit si Lucifer pwede italaga ng Pangulo

Prerogative umano ni Pangulong Rodrigo Dyterte na italaga si dating police officer Cezar Mancao II bilang executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

“The President can appoint an angel, the President can appoint a devil, he can appoint even Lucifer to any government post basta presidential appointee. So, that’s all that I can say. It’s presidential prerogative,” pahayag ni Lacson sa ANC.

Si Mancao ay dating inakusahan si Lacson bilang mastermind sa Dacer-Corbito double murder cases na nangyari noong 2000.

Si Lacson, dating Philippine National Police chief hanggang 2001 ay na-clear na ng Court of Appeals at pinagtibay din ng Korte Suprema.

Nauna nang kinupirma ng MalacaƱang na itinalaga si Mancao bilang pinuno ng CICC.

Isa si Mancao sa kinasuhan sa pagpatay kina publicist Salvador ‘Bubby’ Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

Sumuko si Mancao sa Philippine National Police noong Enero 2017 matapos tumakas sa National Bureau of Investigation noon 2013.

Nauna nang sinabi ni Lacson na pinatawad na niya si Mancao subalit hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya.

The post Lacson sa appointment kay Mancao: Kahit si Lucifer pwede italaga ng Pangulo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-sa-appointment-kay-mancao-kahit-si-lucifer-pwede-italaga-ng-pangulo/)

Walang komento