Recent Posts

Breaking News

Lacson: PNP aandar kahit 2 buwan lang si Cascolan

Magpapatuloy pa rin ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng bagong liderato nito kahit dalawang buwan lamang na manunungkulan.

Sinabi ito ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa radio interview sa kanya hinggil sa pagkakatalaga kay PNP deputy chief for administration Lt. Gen. Camilo Cascolan bilang kapalit ng nagretirong si PNP Director Archie Gamboa.

“Siya [Cascolan] naman nariyan na, napakatagal na panahon, alam niya ang palakad sa PNP. Hindi na siya OIC, CPNP na siya mismo. Maski dalawang buwan lang manunungkulan unless i-extend ng Pangulo, aandar pa rin, mag-ooperate pa rin ang PNP the way it is operating,” ayon kay Lacson.
Kasabay nito, sinabi ng senador na good luck umano kay Cascolan dahil dalawang buwan itong manunungkulan sa PNP.

“Hindi niya matitikman ang 2021 budget pero magtatrabaho siya, makikipag-coordinate sa opisina namin kasi taon-taon ang PNP lagi kong bisita `pag may budget deliberation kasi humihingi lagi ng dagdag budget para sa PNP. Alam nila sino tatakbuhan sa Senado. Siyempre dalawa kami ni Sen [Ronald] Bato [dela Rosa] na pwede maasahan na personal na handang tumulong,” sabi pa ni Lacson.

The post Lacson: PNP aandar kahit 2 buwan lang si Cascolan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-pnp-aandar-kahit-2-buwan-lang-si-cascolan/)

Walang komento