Recent Posts

Breaking News

Kumita sa social media: Revilla mamimigay ng mga tablet

Sinabi ni Senador Bong Revilla na kumita ang kanyang Facebook page ng mahigit $10,000 o P486,000.

Kaya plano niyang ibahagi ang natanggap niyang blessings sa pamamagitan ng pamimigay ng mga 10-inch tablet sa mga estudyante.

Sisimulan niya ang tablet giveaway sa September 20, na bahagi ng kanyang 54th birthday sa September 25.

“‘Yung mga kikitain sa YouTube, kikitain dito, Facebook, lahat ‘yan ay itutulong natin. Simula noong nagkaroon ako ng Facebook, in fact, na-monetize na ito. Malaki-laki na rin kinikita natin at iyun po ay idadagdag natin sa mga ipapa-raffle natin,” wika ni Revilla sa isang Facebook video noong September 8.

“Malaki na rin ‘yun. I think more than $10,000 so malaking bagay po ‘yun,” dagdag niya.

The post Kumita sa social media: Revilla mamimigay ng mga tablet first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kumita-sa-social-media-revilla-mamimigay-ng-mga-tablet/)

Walang komento