Recent Posts

Breaking News

Kapitan sa Cavite todas mismo sa brgy. outpost

Pumanaw ang isang barangay captain sa Cavite matapos pagbabarilin sa loob mismo ng barangay outpost.

Natukoy ang biktima na si Angelito Centeno, ang kapitan ng Barangay Calibuyo sa Tanza.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril ang kapitan sa mismong loob ng barangay outpost, sa harap ng kanyang mga kasamahan.

Sinugod pa si Centeno sa ospital pero dead on arrival ito.

Samantala, sinubukang tumakas ng suspek sakay ng motorsiklo.

Pero nahuli rin ito kalaunan sa checkpoint matapos tumugma sa kanya ang paglalarawan ng mga saksi sa nangyaring pamamaril sa kapitan.

The post Kapitan sa Cavite todas mismo sa brgy. outpost first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapitan-sa-cavite-todas-mismo-sa-brgy-outpost/)

Walang komento