Recent Posts

Breaking News

Kapatid ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang alkalde ng Barili, Cebu na si Marlon Garcia.

Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Winston Garcia sa social media post.

“My brother was a loving husband, son, father, grandfather, brother, cousin, uncle, and friend who served his people proudly as Mayor of Barili,” paglalarawan ni Winston kay Marlon.

Ang alkalde ay kapatid din ng nakaupong gobernadora ng Cebu Province na si Gwendolyn Garcia.

Sunod-sunod ang pagkamatay sa pamilya ng Garcia, na noong Miyerkoles ay inanunsyo din ni Winston na pumanaw din ang kanila pang kapatid na si Dumanjug mayor Nelson Garcia.

“To lose one brother is painful enough, but to lose another brother in the same week, my heart just can not take any further,” lahad ni Winston.

The post Kapatid ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapatid-ni-cebu-gov-gwendolyn-garcia-pumanaw-na/)

Walang komento