Recent Posts

Breaking News

Kapalaran ni Duque depende sa resulta ng PhilHealth probe

Hihintayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta at rekomendasyon ng task force na nag-imbestiga sa katiwalian sa PhilHealth bago pagpasyahan ang magiging kapalaran ng mga opisyal na sinasangkot sa anomalya sa ahensiya, gaya ni Health Secretary Francisco Duque III.

Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng rekomendasyon ng Senado na kasuhan si Duque kaugnay sa ginawang imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth.

Sinabi ni Roque na ginagalang ng Palasyo ang findings ng Senado subalit hinihintay pa ang findings din ng task force na inatasan ng Pangulo para mag-imbestiga.

“As I said, let’s await the recommendations of the task force. If the task force has the same recommendation as the senate, so be it. But for now, the President would defer to the finding of the task force,” ani Roque.

Mahalaga aniya ang findings ng task force dahil lahat ng miyembro nito ay mga institusyong may mandatong panagutin ang mga opisyal na gumagawa ng katiwalian .

“It’s not just because he created the task force, it’s because the individuals and the institutions behind the task force are those tasked with the Constitution and the law to put public officers accountable for their acts like the Ombudsman, Civil Service Commission at Department of Justice,” dagdag ni Roque.

Mayroon na lamang aniyang hanggang September 14 ang Task Force para tapusin ang imbestigasyon sa mga anomalya sa pondo ng PhilHealth.

“We are awaiting for the findings of the task force. They have only until Sept. 14 to finish the investigation, and I think within the month of September, the President wants to see their findings,” wika ni Roque.

The post Kapalaran ni Duque depende sa resulta ng PhilHealth probe first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapalaran-ni-duque-depende-sa-resulta-ng-philhealth-probe/)

Walang komento