Recent Posts

Breaking News

Kai Sotto: Hindi kami magka-level ni Pacquiao

Kung may isang Pinoy na kilala sa buong mundo, walang duda na pangalan ni Manny Pacquiao ang sasambitin ng bawat tao.

Hindi na ito nakakagulat lalo’t nilagay ng ‘Pambansang Kamao’ ang Pilipinas sa mapa pagdating sa boxing bilang nag-iisang fighter na nakasungkit ng walong kampeonato sa magkakaibang dibisyon.

At ngayon, isa pang Pinoy ang magtatangkang maabot ang naging kasikatan ni Pacquiao, ito’y walang iba kundi ang NBA hopeful na si Kai Sotto.

Sa panayam ng Nets Daily, naitanong kay Kai kung anong masasabi niya na ikinukumpara siya sa fighting senator, na tingin ng 18-anyos ay marami pa ang kanyang kakaining bigas.

“It’s kind of unfair to compare me to Manny Pacquiao because Manny Pacquiao was the GOAT in how Manny Pacquiao affected the Philippines not just in sports but in life,” saad ni Kai. “Every time there is a Manny Pacquiao fight or battle, everybody just stops and watches him.”

Gayunpaman, pangarap niya na magkaroon din ng impact sa mga Pinoy katulad ng ginawa ni Pacquiao, at hindi malabong mangyari ito sa oras na makatungtong na siya sa NBA.

“I just hope that one day I could get that effect on people, on Filipinos,” lahad pa ni ‘Kaiju’.

The post Kai Sotto: Hindi kami magka-level ni Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kai-sotto-hindi-kami-magka-level-ni-pacquiao/)

Walang komento