Recent Posts

Breaking News

Kai Sotto delikado! Mga 7’3″ player mabilis mawala sa NBA

Ang phenom na si Kai Sotto ang pambato ng ‘Pinas para maging kauna-unahang homegrown talent na makatungtong sa prestihiyosong liga na NBA.

Kung magiging maganda ang ipapapakita nito sa G League program, halos panigurado na ang pagpasok nito sa international league lalo’t ilang talent scout na rin ang naglalaway kay Kai.

Ngunit ibang usapan na kung magtatagal ba ang 18-anyos sa NBA.

Sa report ng ‘The Athletic’, nilarawan na hindi maganda ang kapalaran sa mga manlalaro na halos kasing tangkad ni Sotto, at ni isa ay hindi tumatagal ng 1,000 sa NBA.

Ayon sa report, maging ang mga Hall of Fame talent tulad nina Yao Ming at Ralph Samson ay maaga ring nagretiro sa paglalaro ng competitive basketball, tig-siyam na taon lang para sa mga former first overall pick ng liga.

Samantala, si 7-foot-4 Mark Eaton, na naglaro noong 80s, ang pinakamatagal para sa mga tangkad sagad na player ng liga na nakapaglista ng 875 games, ngunit para makamit ito ay halos hindi lumulundag ang sentro sa laro.

Si Kai ay kasalukuyang nakalista bilang 7-foot-2, ngunit sa edad nito ay maari pang tumangkad at posibleng matamaan ng sumpa para sa mga big man ng NBA.

The post Kai Sotto delikado! Mga 7'3" player mabilis mawala sa NBA first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kai-sotto-delikado-mga-73-player-mabilis-mawala-sa-nba/)

Walang komento