Recent Posts

Breaking News

Kahit may PhilHealth scandal, UHC fund dapat suportahan – Lacson

Dapat suportahan pa rin ng Kongreso ang 2021 budget para sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) law sa kabila ng alegasyon ng malawakang katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“Despite the shameless corruption in PhilHealth, the 2021 Universal Health Care budget deserves full support from Congress,” pahayag ni Lacson sa kanyang post sa Twitter.

“But we can make our healthcare program more meaningful by immediately putting in jail all those who stole our money, directly or otherwise,” dagdag pa nito.

Nitong nagdaang lingo, sinumulan ng Kamara ang pagtalakay sa panukalang P4.506 trilyong 2021 national budget na 9.9 porsiyentong mas malaki sa 2020 budget.

Sa naturang halaga, ang PhilHealth na siyang naatasang magpatupad ng UHC ay inaasahang tatanggap ng P71.4 bilyon para sa 2021 budget nito.

Sa susunod na linggo naman sisimulan ng Senado ang pagtalakay sa panukalang 2021 budget.

Sa ilalim ng bagong liderato sa PhilHealth, umaasa si Lacson na mapupunta ang nakaalang pondo para sa pagpapatupad ng UHC sa mga totoong benepissaryo nito.

“That said, a PhilHealth under new leadership should make sure that the funds it gets for 2021 to implement the Universal Health Care Act go to the intended beneficiaries instead of its favored few,” sabi ni Lacson.

“In the same way that Congress will contribute to the success of the Universal Health Care Act, PhilHealth and the other agencies tasked with implementing it should not contribute to its failure,” sambit pa nito.

The post Kahit may PhilHealth scandal, UHC fund dapat suportahan - Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-may-philhealth-scandal-uhc-fund-dapat-suportahan-lacson/)

Walang komento