Recent Posts

Breaking News

Japan muling nagpautang ng 50B yen sa ‘Pinas

Nagpahiram muli ng 50B yen, o nagkahahalaga ng P23B, ang Japan sa Pilipinas na maaring gamitin para sa COVID-19 pandemic at iba pang kalamindad.

Ito’y matapos na lumagda si Finance Secretary Carlos Dominguez at Japan International Cooperation Agency (Jica) Philippines chief representative Eigo Azukizawa sa kasunduan ukol sa phase two ng post-disaster stand-by loan.

“The declaration of a state of calamity, public health emergency, or the imposition of enhanced community quarantine (ECQ) will activate the package,” ayon kay Dominguez.

Saad ni Dominguez, ang naturang loan ay pwedeng magamit anumang oras dahil nasa ilalim ng state of emergency ang Pilipinas.

Taong 2014 nang unang magpahiram ang Japan ng 50 billion yen na nagamit naman ng bansa matapos humagupit ang bagyong ‘Yolanda’.

Babayaran ang loan sa susunod na 40 taon, 0.01 percent ang interes kada taon, at may kasama ding 10 taon na grace period.

The post Japan muling nagpautang ng 50B yen sa 'Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/japan-muling-nagpautang-ng-50b-yen-sa-pinas/)

Walang komento