Recent Posts

Breaking News

Isko suportado pagbuhos ng white sand sa Manila Bay

Nakakuha ng suporta mula kay Manila Mayor Isko Moreno ang plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na buhusan ng white sand ang Baywalk sa Roxas Boulevard.

Sa press conference sinabi ng alkalde, na wala pang pruweba na makasasama sa kalikasan ang plano ng DENR.

“We support DENR. Now, with regard to the claim na ‘yung ilalagay na buhangin ay makakapaminsala sa kapaligiran, it is not up for me to identify scientifically na ito’y nakakasira ng kalikasan. I think DENR on its own knows it better to protect our environment,” wika ni Moreno.

“I don’t think a person in his right mind, in a particular agency of the government, who’s supposed to be taking care of our environment will pollute our environment. ‘Yun ang presumption ko. For now, hangga’t wala naman sigurong nakapagsasaad o nakapagpapatibay sa claim ng iilan, may presumption of regularity… so if that is the case, we continue to support DENR and the City of Manila is grateful to DENR,” dagdag niya.

Plano ng DENR na buhusan ng puting buhangin ang may 500 metrong lawak na Baywalk, na parte umano ng Manila Bay Rehabilitation Program.

“Gagawin white sand ito, dito sa may bay walk area para makita ng tao na kapag puti ang kulay ng isang bagay, kailangang pangalagaan mo ito at ‘wag mo dumihan,” paliwanag ni DENR undersecretary Benny Antiporda sa kanilang plano. (IS)

The post Isko suportado pagbuhos ng white sand sa Manila Bay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isko-suportado-pagbuhos-ng-white-sand-sa-manila-bay/)

Walang komento