Recent Posts

Breaking News

Isang daliri lang pinambutata! George, Rivers naelib kay Kawhi

Kilala si Los Angeles Clippers Kawhi Leonard na isa sa may pinakamalaking kamay sa buong NBA.

Ngunit hindi lang pala ito dambuhala dahil kakaiba rin ang tigas ng bawat daliri ng two-time NBA Defensive Player.

Sa huling dalawang minuto ng laban, tinangkang bastusin ni Denver Nuggets guard Jamal Murray si Kawhi nang lumipad ito para sa dakdak.

Nakita ito ni Leonard at naunang tumalon kay Murray, at nang pababa na sa kanyang lundag ay nagawa pa ring maabot ni Kawhi ang bola sa pamamagitan lang ng kanyang middle finger.

Malaking tulong ang nasabing butata para itarak ng Clippers ang 2-1 lead sa serye sa kanilang 113-107 win kontra Nuggets.

Tumapos si Leonard ng 23 points, 14 rebounds, six assists at two blocks, kung saan humamig din ng papuri ang manlalaro mula sa kanyang teammate at coach dahil sa pambihirang defensive play.

“I didn’t know it was one finger. It was a heck of a play. It was impressive,” ayon kay Clippers coach Doc Rivers. “I didn’t even know where he came from. It was a heck of a play.”

Saad naman ni Paul George, “That’s an extra-long middle finger. It kept growing or something. That’s Kawhi, man. Big time player. The mitts, it’s something else.”

The post Isang daliri lang pinambutata! George, Rivers naelib kay Kawhi first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isang-daliri-lang-pinambutata-george-rivers-naelib-kay-kawhi/)

Walang komento