Recent Posts

Breaking News

Intelligence fund ni Duterte hihimayin

Planong himayin ni Senador Ping Lacson ang aniya’y sobra-sobrang intelligence funds na nakapaloob sa panukalang budget ng Office of the President para sa taong 2021.

Sa panayam sa ABC-News Channel, sinabi ni Lacson na nais niyang malaman kung saan ginagastos ang intel fund ng tanggapan ng pangulo sa mga nagdaang taon.

“I myself intend to ask this question when the Office of the President’s budget is up for discussion,” pahayag ng senador.

“‘Pag sinabi mong P4.5 billion a year under one agency, which is the Office of the President, which is not a big office, how do they spend that? Yun ang tanong,” dagdag nito.

Ayon kay Lacson, sa mga nagdaang panahon ay maliit lamang ang inalalaang pondo sa intelligence fund ng pangulo subalit katagala’y lumalaki na ito.

“It started I think with P700 plus million. I cannot recall anymore which administration. And then it ballooned to something like P2 billion, P2.5 billion and now it’s more than P4 billion just for the Office of the President,” aniya.

Dagdag pa nito, may access din ang Pangulo sa intelligence funds sa mga ahensiyang nasa ilalim ng Executive Department.

Puwede rin nitong kontrolin ang intelligence funds ng Department of National Defense, the Philippine National Police, the National Security Agency, the Bureau of Customs, and the Bureau of Internal Revenue.

“The President has control over other intelligence funds of the entire bureaucracy. Kung gusto niyang i-control yung release he can control,” sabi ni Lacson.

Bukod diyan, tumatanggap din ang Office of the President na remittance mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office at sa Philippine Amusement and Gaming Corporation na bilyong ang halaga kada taon.

Sa ilalim ng spending plan sa susunod na taon, ang Office of the President ay humirit ng P8.23 bilyon, mas mababa sa P8.25 bilyon nitong 2020.

Sa naturang pondo, P2.25 bilyon ay para sa confidential fund at P2.25 sa intelligence fund.

The post Intelligence fund ni Duterte hihimayin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/intelligence-fund-ni-duterte-hihimayin/)

Walang komento