Recent Posts

Breaking News

Inquirer binalikan paninira, pang-aapi ng Rappler

Pinuna ng isang Philippine Daily Inquirer columnist ang nilabas na artikulo ng online media site na Rappler matapos nitong idetalye ang cost-cutting na ginagawa ng kompanya para makaalpas sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa column ni Rosario Garcellano na ‘No one’s throwing in the towel’, sinabi dito na nakakabagabag basahin ang report ng Rappler na pinapakita umano ang paghihingalo ng isa sa pinakamalaking newspaper entity sa buong Pilipinas, na aniya pa’y magandang balita naman para sa mga natutuwa sa pagdudusa ng iba.

“This newspaper carries a rich history of grit and resistance; that it is navigating a precarious financial time that threatens its very survival should be disturbing news to those who acknowledge its place in the national sphere as well as its efforts in preserving the democratic space, and who wish for it the stamina to hang on,” lahad ni Garcellano.

Giit pa ng columnist, na isa sa naging haligi ng Inquirer, ang naturang report ay nakababahala dahil sa pagiging detalyado nito, na tila gustong ilabas ang lahat ng impormasyon kahit confidential na at dapat ay para lang sa kompanya, at nilarawan ni Garcellano na ‘indelicate’, ‘inelegant’ at ‘mean-spirited’.

Sa naturang report ng Rappler, nilagay kung ilan ang mga empleyado na tumanggap ng early retirement package, pati na rin ang detalye kung anong section at mga printing press na napilitang ipahinto ng Inquirer.

Depensa naman ni Garcellano, walang naagrabyado sa mga natanggal sa Inquirer, at lahat ng bonus at benepisyo ng mga regular employee ay walang palya na naibibigay sa kabila ng pandemya.

Paliwanag pa nito, tila nawala umano sa report na hindi lang ang Inquirer ang dumaranas ng pagkalugi dahil sa health crisis, kundi ang buong industriya ng media.

“These are terrible times resulting from the muscular flexing of power, the inroads of the digital platform, and the COVID-19 pandemic, yet the report omits the reality that precarious finances are occurring industry-wide, pushing other broadsheets out of print and many journalists out the door,” saad ng beteranong mamahayag.

“The absence of context is so patent that the reader ignorant of the realities of newspapering, primarily the huge production costs now exacerbated by plunging advertising revenues, will be moved to tsk-tsk over how the mighty have fallen.”

The post Inquirer binalikan paninira, pang-aapi ng Rappler first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inquirer-binalikan-paninira-pang-aapi-ng-rappler/)

Walang komento