Recent Posts

Breaking News

Inggit kay Nash? Billups gusto maging NBA coach

Matapos sungkitin ni Steve Nash ang head coaching post sa Brooklyn Nets, isa pang dating NBA star ang nagpahayag ng kagustuhan na makatawid sa mundo ng pagiging tactician sa liga.

Ayon sa report ng Yahoo Sports, balak ni Chauncey Billups na subukan ang mundo ng pagiging coach.

Noong 2017 ay kasali si Billups sa pinagpipilian para maging general manager ng Cleveland Cavaliers, ngunit hindi ito natuloy.

Wala pang coaching experience si Billups, ngunit naging isa ito sa primyadong point guard sa NBA matapos igiya ang Detroit Pistons sa isang kampeonato, kung saan Finals MVP din ito taong 2014.

Ilang koponan na lang ang wala pang head coach sa ngayon, ito ay ang Indiana Pacers, New Orleans Pelicans at Chicago Bulls, na posibleng sumugal kay Billups.

The post Inggit kay Nash? Billups gusto maging NBA coach first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inggit-kay-nash-billups-gusto-maging-nba-coach/)

Walang komento