Recent Posts

Breaking News

Implementasyon ng Bayanihan 2 bantay sarado sa Kongreso

Tiniyak ni Senador Sonny Angara na kanilang babantayan ang implementasyon ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 matapos na lagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng senador na ngayong ganap na itong batas ay patuloy pa rin nilang imomonitor ang pagpapatupad ng Bayanihan 2 sa pamamagitan ng binuong oversight committee.

Bukod sa oversight committee ay naririyan din umano ang Commission on Audit (COA) na makatatanggap din ng mga report na isusumite ng executive branch hinggil sa implementasyon ng Bayanihan 2.

Ito’y para matiyak aniya na walang masasayang sa mga pondong inilaan para sa pagbangon mula sa COVID-19 pandemic at siguraduhing makararating sa taumbayan ang mga benepisyong nakasaad sa batas.

Sinabi pa ni Angara na magkakaloob ang Bayanihan 2 ng kinakailangang suporta sa health sector na siyang nasa frontline ng laban sa COVID-19 pandemic.

Makikinabang din aniya ang mga sektor na lubhang apektado ng mga pinatupad na community quarantine katulad ng turismo at mga micro, small and medium enterprise (MSME), na nawalan ng pagkakakitaan sa loob ng nakalipas na buwan sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng pautang sa mababang interes lamang

The post Implementasyon ng Bayanihan 2 bantay sarado sa Kongreso first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/implementasyon-ng-bayanihan-2-bantay-sarado-sa-kongreso/)

Walang komento