Recent Posts

Breaking News

Hontiveros sa DFA: Japan patulungin sa rescue ng mga Pinoy seafarer

Nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kumbinsihin ang Japanese government na palawigin pa ang kanilang search and rescue efforts sa mga maraming Pinoy na hindi pa natatagpuan matapos lumubog ang sinasakyan nilang Gulf Livestock 1 sa Japan.

“It has been two weeks. Wala pa ring balita kung nasaan na ang mga kapamilya nila. Balisa na sila, isip nang isip, kumusta na kaya ang asawa, o tatay o anak nila?,” pahayag ni Hontiveros patungkol sa nawawalang 34 Marinong Pinoy.

“I recognize the valuable work DFA has done in keeping the families abreast of developments vis-à-vis SAR operations, but I also understand the desperation, frustration, and helplessness the families must be feeling during this difficult period,” sabi pa niya sa kanyang liham kay Foreign Secreretary Teodoro Locsin Jr.

Sabi pa ng senador, kailangang ipapagtuloy ng gobyerno ang kanilang pagkumbinsisa gobyerno na Japan na ipagpatuloy ang SAR operation at payagan ang ibang bansa na sumali sa paghahanap.

“Bukod sa Pinoy, may Australian and Kiwi pa silang kasamahan sa barko. I hope DFA will plead to let our coast guard, as well as the Coast Guards of Australia and New Zealand, assist in locating the lost mariners,” ani Hontiveros.

Kailangan aniyang ibuhos ng ng DAF ang lahat ng effort para makita ang nawawalang Filipino seafers.

“As long as the families have not given up on their loved ones, hindi rin dapat tayo sumuko sa laban,” ani Hontiveros.

“Gawin natin lahat ng makakaya para mahanap ang nawawala nilang mahal sa buhay at maiuwi sila sa kani-kanilang mga pamilya,” dugtong pa nito.

The post Hontiveros sa DFA: Japan patulungin sa rescue ng mga Pinoy seafarer first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-sa-dfa-japan-patulungin-sa-rescue-ng-mga-pinoy-seafarer/)

Walang komento