Recent Posts

Breaking News

Hontiveros kay Gierran: Hulihin ang ‘big fish’ sa PhilHealth

Dapat hulihin ni newly-appointed Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at chief executive officer Dante Gierran ang “big fish” na sangkot sa korapsiyon sa ahensiya, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

“As a former NBI director umaasa ako na at the very least, alam ni Mr. Gierran na he has to hit the ground running at alam niya na ang dapat managot ay dapat panagutin,” pahayag ni Hontiveros sa panayam sa ANC.

“He has to hit the ground running by going after the big fish,” dagdag pa nito.

Bilang dating National Bureau of Investigation (NBI) director, umaasa din si Hontiveros na mabubuwag ni Gierran ang ‘mafia’ sa PhilHealth.

“We must hope that he really gets to the bottom of the seasonal problems in PhilHealth at mabuwag na niya sa wakas ang anumang mga mafia na nandoon,” ayon sa senadora.

Payo pa ni Hontiveros kay Gierran, dapat maglagay ito ng pubic health experts sa board of directors.

“Sinabi niya mismo na hindi siya maalam sa field ng public health so I really hope that he will listen to advise and form a board of public health experts,” ani Hontiveros.

Nauna nang inirekomenda ng Senate Committee of the Whole ang paghahain ng kasong malversation at graft and corruption laban kay Duque, Health Secretary Francisco Duque III, dating PhilHealth president and CEO Ricardo Morales at iba pang mataas na opisyal kaugnay ng maling paggamit ng pondo ng ahensiya.

The post Hontiveros kay Gierran: Hulihin ang 'big fish' sa PhilHealth first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-kay-gierran-hulihin-ang-big-fish-sa-philhealth/)

Walang komento