Recent Posts

Breaking News

Hindi kinaya na sinabit sa PhilHealth mess! Duque umiyak, muntik mag-resign – Bong Go

RP

Nilantad ni Senador Bong Go ang pinagdaanan ni Health Secretary Francisco Duque III matapos itong idawit sa umano’y korapsyon sa PhilHealth.

Saad ni Bong Go, dapat ay irespeto ng publiko ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Duque, dahil kung ang kalihim umano ang masusunod ay gusto na nitong magbitiw sa pwesto.

“Health Secretary Duque still has the trust and confidence of the President and we must respect that,” saad ng mambabatas.

“Sa totoo lang po, nangingiyak na po si Secretary Duque at gusto na talagang bumitaw,” aniya pa.

Pinuri din ng dating special assistant ng Pangulo ang pagresponde ni Duque sa COVID-19 pandemic sa kabila ng mga pinupukol na isyu sa kalihim.

Matatandaan na kasama ang pangalan ni Duque sa naging rekumendasyon ng Senate Committee on Whole na makasuhan dahil sa kuwestiyonableng paglabas ng pondo sa ilalim ng interim reimbursement mechanism (IRM).

Ngunit paliwanag naman ni Go, kung mapatunayang sangkot si Duque sa katiwalian sa state insurance agency ay dapat itong maparusahan.

“’Pag napatunayang may corruption, wala na pong dapat pag-usapan pa diyan. He has to go — at kung sino po ‘yung sangkot sa corruption, kailangan pong umalis, kailangang managot, at kailangang makulong,” lahad pa ni Go.

The post Hindi kinaya na sinabit sa PhilHealth mess! Duque umiyak, muntik mag-resign - Bong Go first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-kinaya-na-sinabit-sa-philhealth-mess-duque-umiyak-muntik-mag-resign-bong-go/)

Walang komento