Recent Posts

Breaking News

Hindi kailangan ng lupa para magsaka – Cynthia Villar

Mali umano ang sinasabi ng ilan na hindi dapat pagtayuan ang mga bahay at pabrika ang mga farmland o sakahan.

Ito ang pahayag ni Senador Cynthia Villar sa kanyang opening sa pagdinig ng Senado sa kalagayan ng dairy industry sa bansa.

Inihalimbawa ng senador ang bansang Israel pagdating sa pagsasaka na kahit na sa gitna ng disyerto kung saan hindi mataba ang lupa pero nakakatanim ng maayos ang mga tao at nakakapag-export pa sa Gitnang Silangan.

“Sa Israel, wala silang lupa, disyerto sila kaya hina-hang nila ‘yung kanilang mga plant sa air. Wala silang tubig, kasi ang tubig lang nila nanggagaling sa ocean, salty, dini-desalinate nila,”pahayag ni Villar.

“Yet they are net exporter of vegetable in the Middle East. So, ito ‘yung sinasabi natin na hindi kailangan ng lupa, hindi kailangan ng tubig. Kailangan natin ay technology to be successful in farming,” dagdag pa nito.

Kaya mali aniya ang sinabi ng ilan hindi dapat tayuan ng subdibisyon o pabrika ang mga sakahan sa bansa.

“‘Yung sinasabi na huwag daw i-convert ang farmland para magtayo ng bahay at huwag i-convert ang farmland para magtayo ng factory, mali ‘yon,” ayon kay Villar.

Aniya, ipinagbabawal lang naman ang pagtatayo ng pabrika sa mga lungsod sa bansa pero maaring naman ito gawin sa labas nito.

“Hindi naman lahat gustong i-convert to homes and commercial, ‘yung mga city lang ‘yun eh. Bakit ipagbabawal ‘yon eh importante rin yung sa ekonomiya,” sabi ni Villar.

“Dito sa Israel matutunan natin na hindi amount of land, and the amount of water, it’s the technology that will improve our agriculture,” sambit pa ng senadora.

The post Hindi kailangan ng lupa para magsaka - Cynthia Villar first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-kailangan-ng-lupa-para-magsaka-cynthia-villar/)

Walang komento